Hindi inaasahan ni Carlos ang maagang pagkawala ng  kanyang fiancé dahil sa isang aksidente sa Commonwealth. Mahigit isang  taon na din nang mamatay si Ella at ang kaibigan nitong si Isha sa isang  vehicular accident kung saan kinaladkad ng ten-wheeler truck ang isang  pulang Honda Civic alas-siyete ng gabi. Hindi halos mamukhaan ang  bangkay ng dalawang dalaga dahil sa tindi na rin ng pagkakabangga.
Mahigit  isang taon na ay hindi pa rin nakkalimot si Carlos sa nangyari.  Gabi-gabi ay dinadalaw ito ng bangungot ng trahedyang nangyari. Sino ba  naman si Carlos para mahimbing ng tulog kung ang inyong kasal ay  dalawang araw na lamang ang layo? “Hindi niya talaga dapat sinukat ang  wedding gown…” Wala tuloy kasal na naganap. Yan ang pinaniniwala ni  Carlos sa kanyang sarili.
Muling binisita ni  Carlos ang resort na dapat sana’y honeymoon venue nila ni Ella.  Nirentahan niya ang honeymoon suite ng magdamag habang nilalagok ang  bote ng Fundador na humahalo sa luha sa kanyang pisngi. Nangalahati na  ang kaha ng yosi at nagsialisan na din ang mga tao sa swimming pool  dahil sa curfew. Wala mang nalunod sa pool noong araw na iyon, ang  bisita sa room 209 ay lunod ng husto, sa alak.
Sinalubong  si Carlos ng nakangiting sikat ng araw. Bumaba ito upang kumain ng  brunch sa cafeteria. Inorder niya ang dapat sana’y kakainin nila ni  Ella. Bagamat madaming tao sa cafeteria, tahimik ang mga itong kumakain.  Limang mesa ang layo ng isang dalagang kumakain mag-isa. “Sugar, sir?”  Hindi napansin ni Carlos ang waitress sa kanyang tabi. Titig na titig  siya sa dalagang nagtitiyaga sa pakwan at pinya dahil mukhang nagdidiet  ito. “Sir, asukal po?” 
“Sino siya?” ito na lamang ang naisagot ni Carlos sa tanong ng waitress. “Si Ma’am Sephra po. One week lang siya dito.”
“Kelan pa?”
“Noong isang araw  pa po siya andito eh.
Napatingin  si Sephra kay Carlos at doon nagsimula ang lahat. Sinamahan ni Carlos  si Sephra sa natitirang apat na araw nito sa Playa Resort. Tuwing  alas-siyete ay magkikita ang dalawa sa lobby ng hotel at sabay kakain ng  almusal. Pag tanghali naman ay sa coffe shop sila tumatambay,  nagkukwentuhan at nagtatawanan. Sa gabi naman ay sa Playa Bar sila  umiinom ng alak at sumasayaw hanggang madaling araw.
“Sign kaya ito?” Tanong ni Carlos kay Sephra habang inaabutan ito ng isang baso ng Sidecar. 
“Sign ng?”
“That it’s time for me to move on.”
“Kailangan kong maupo.”
Lumabas si Sephra ng bar at nagsindi ng yosi.
“May problema ba?” Lumabas si Carlos, gulat sa reaksyon ni Sephra.
Umupo si Sephra sa may hagdanan, tumabi sa kanya si Carlos.
“Seph, are you okay?”
Binuksan  ni Sephra ang kanyang bag at kinuha ang isa pang maliit na purse sa  loob. Kinuha niya ang singsing sa loob at ipinakita kay Carlos.
“I’m getting married next week.”
Tumayo si Carlos. “That’s not funny anymore. Halika na, I think you’ve had enough alcohol…”
“Carlos, ikakasal na ako sa isang linggo.”
Hindi  makasagot si Carlos. Tinitigan niya ang mga mata ni Sephra, umaasang  sasabihin nito na gawa-gawa lamang niya ang lahat. Na ang apat na araw  niya sa piling ni Carlos ang pinakamasayang apat na araw niya sa tanang  buhay nito. 
 “I wanted  to have a last taste of being a single woman before I tie the knot.  Dahil ayaw kong kapag kasal na ako, saka pa ako magtataksil.”
“I don’t believe any of these.” Pumasok si Carlos sa loob ng bar at umorder ng alak. Sumunod si Sephra sa loob.
“You seem like you needed someone to help you move on. And I was looking for a fling. Akala ko we understood each other?”
“Bullshit.”
“Four  days Carlos, you expect magic sa pagitan natin sa loob ng apat na araw?  Ginamit kita at ginamit mo ako. Anong mahirap intindihin doon?”
 “And you still believe tama ang ginawa mo?”
“I was only trying to help.”
“You’re playing with emotions!”
“I was helping you move on. Get a grip!”
Lumabas  si Sephra ng bar at dumiretso sa kanyang suite. Inempake niya ang lahat  ng kanyang damit at nag-drive pabalik ng Manila. 
Sa  huling araw ni Carlos sa resort, gumising siya katabi ang isang bote ng  alak. Nakangiting sinalubong ng araw ang loob ng kwarto ni Carlos.  Inempake niya ang kanyang mga damit at nag-drive din pabalik ng Manila. 
Sabay sa pagbuhos ng ulan, ay bumuhos din ang luha sa mga mata ni Carlos na tila sanay nang magdusa. 
No comments:
Post a Comment