Saturday, October 8, 2011

CICT DAYS(SANAYSAY)

Ano ang CICT days? Bakit pinagdiriwang o ginaganap ito? Nakakatulong ba ito sa buhay pampaaralan? May naidudulot nga ba itong maganda o nakakasama lamang ito sa mga estudyante? Mga tanong na naglalaro sa ating mga isipan.

Nagsimula ang CICT days noong Agosto 24, 2011 at nagtapos noong Agosto 27, 2011. Ito ay ginaganap upang ang bawat estudyante ay maipakita ang kani-kaniyang galing sa larangan ng paglalaro. Naipapakita din nila ang kanilang mga natutunan sa pagsali sa mga labanang tulad ng networking, programming at kung anu-anong laban na konektado o akma sa kanilang kurso. Ika-2 ng hapon nagsimula ang pagdiriwang na kung saan ipinakikilala ang mga manlalaro at muse ng bawat seksyon sa pamamagitan ng pagpaparada ng mga ito sa buong campus. Sa unang araw din ay mayroong labanan na tinatawag na “costplay”. Sa labanang ito ay isa ako sa mga napiling sumali sa paligsahan. Ngunit natapos ang unang araw na hindi namin nakuha ang unang karangalan. Kinabukasan ng pagdiriwang ay muli na naman akong napili bilang isa sa mga kalahok sa labanang networking. Sa ikalawang pagkakataon, nabigo na naman kaming makuha ang unang karangalan. Ang ikatlong araw naman ng pagdiriwang ay pinanuod namin ang aming mga kaklaseng manlalaro upang magbigay suporta sa kanilang mga laban. At sa ikahuling araw ng pagdiriwang ay ang pag-aanunsyo ng mga nanalo sa bawat laban na kanilang sinalihan. Sa pagdiriwang na ito ay maituturing ko na nakatutulong at nakapagdudulot ito ng maganda sa buhay pampaaralan ng mga estudyante sa pamamagitan ng paghahasa sa kanilang mga natutunan sa loob ng klase kasabay ng paglilibang o pagbibigay-saya sa kanilang mga sarili. Kaya sa aking palagay, makatarungan lamang na ang pagdiriwang na ito ay maging bahagi ng gawaing pampaaralan.

No comments:

Post a Comment