Wednesday, October 12, 2011

Pangalawang Aray

Hindi inaasahan ni Carlos ang maagang pagkawala ng kanyang fiancé dahil sa isang aksidente sa Commonwealth. Mahigit isang taon na din nang mamatay si Ella at ang kaibigan nitong si Isha sa isang vehicular accident kung saan kinaladkad ng ten-wheeler truck ang isang pulang Honda Civic alas-siyete ng gabi. Hindi halos mamukhaan ang bangkay ng dalawang dalaga dahil sa tindi na rin ng pagkakabangga.
Mahigit isang taon na ay hindi pa rin nakkalimot si Carlos sa nangyari. Gabi-gabi ay dinadalaw ito ng bangungot ng trahedyang nangyari. Sino ba naman si Carlos para mahimbing ng tulog kung ang inyong kasal ay dalawang araw na lamang ang layo? “Hindi niya talaga dapat sinukat ang wedding gown…” Wala tuloy kasal na naganap. Yan ang pinaniniwala ni Carlos sa kanyang sarili.
Muling binisita ni Carlos ang resort na dapat sana’y honeymoon venue nila ni Ella. Nirentahan niya ang honeymoon suite ng magdamag habang nilalagok ang bote ng Fundador na humahalo sa luha sa kanyang pisngi. Nangalahati na ang kaha ng yosi at nagsialisan na din ang mga tao sa swimming pool dahil sa curfew. Wala mang nalunod sa pool noong araw na iyon, ang bisita sa room 209 ay lunod ng husto, sa alak.
Sinalubong si Carlos ng nakangiting sikat ng araw. Bumaba ito upang kumain ng brunch sa cafeteria. Inorder niya ang dapat sana’y kakainin nila ni Ella. Bagamat madaming tao sa cafeteria, tahimik ang mga itong kumakain. Limang mesa ang layo ng isang dalagang kumakain mag-isa. “Sugar, sir?” Hindi napansin ni Carlos ang waitress sa kanyang tabi. Titig na titig siya sa dalagang nagtitiyaga sa pakwan at pinya dahil mukhang nagdidiet ito. “Sir, asukal po?”
“Sino siya?” ito na lamang ang naisagot ni Carlos sa tanong ng waitress. “Si Ma’am Sephra po. One week lang siya dito.”
“Kelan pa?”
“Noong isang araw  pa po siya andito eh.
Napatingin si Sephra kay Carlos at doon nagsimula ang lahat. Sinamahan ni Carlos si Sephra sa natitirang apat na araw nito sa Playa Resort. Tuwing alas-siyete ay magkikita ang dalawa sa lobby ng hotel at sabay kakain ng almusal. Pag tanghali naman ay sa coffe shop sila tumatambay, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Sa gabi naman ay sa Playa Bar sila umiinom ng alak at sumasayaw hanggang madaling araw.
“Sign kaya ito?” Tanong ni Carlos kay Sephra habang inaabutan ito ng isang baso ng Sidecar.
“Sign ng?”
“That it’s time for me to move on.”
“Kailangan kong maupo.”
Lumabas si Sephra ng bar at nagsindi ng yosi.
“May problema ba?” Lumabas si Carlos, gulat sa reaksyon ni Sephra.
Umupo si Sephra sa may hagdanan, tumabi sa kanya si Carlos.
“Seph, are you okay?”
Binuksan ni Sephra ang kanyang bag at kinuha ang isa pang maliit na purse sa loob. Kinuha niya ang singsing sa loob at ipinakita kay Carlos.
“I’m getting married next week.”
Tumayo si Carlos. “That’s not funny anymore. Halika na, I think you’ve had enough alcohol…”
“Carlos, ikakasal na ako sa isang linggo.”
Hindi makasagot si Carlos. Tinitigan niya ang mga mata ni Sephra, umaasang sasabihin nito na gawa-gawa lamang niya ang lahat. Na ang apat na araw niya sa piling ni Carlos ang pinakamasayang apat na araw niya sa tanang buhay nito.
 “I wanted to have a last taste of being a single woman before I tie the knot. Dahil ayaw kong kapag kasal na ako, saka pa ako magtataksil.”
“I don’t believe any of these.” Pumasok si Carlos sa loob ng bar at umorder ng alak. Sumunod si Sephra sa loob.
“You seem like you needed someone to help you move on. And I was looking for a fling. Akala ko we understood each other?”
“Bullshit.”
“Four days Carlos, you expect magic sa pagitan natin sa loob ng apat na araw? Ginamit kita at ginamit mo ako. Anong mahirap intindihin doon?”
 “And you still believe tama ang ginawa mo?”
“I was only trying to help.”
“You’re playing with emotions!”
“I was helping you move on. Get a grip!”
Lumabas si Sephra ng bar at dumiretso sa kanyang suite. Inempake niya ang lahat ng kanyang damit at nag-drive pabalik ng Manila.
Sa huling araw ni Carlos sa resort, gumising siya katabi ang isang bote ng alak. Nakangiting sinalubong ng araw ang loob ng kwarto ni Carlos. Inempake niya ang kanyang mga damit at nag-drive din pabalik ng Manila.
Sabay sa pagbuhos ng ulan, ay bumuhos din ang luha sa mga mata ni Carlos na tila sanay nang magdusa.

Ang alamat ng Internet


May isang mang- gagawa sa malayong lugar, ang pangalan nya ay Acer. Meron siyang dalawang anak na nagngagalang Inter at si Net. Silang dalawa ay kambal at malapit sa isa’t isa. Napaka ganda nilang dalawa, kahit sinong lalaki ay nahumaling sa kanilang dalawa. Ang kanilang ina ay nasa ibang bansa, at hindi pa nila ito nakakausap man lang. Isang araw umalis si acer upang maghanap ng trabaho, samantalang naiwan ang magkapatid sa bahay. Inutusan ni Inter si Net na maghanda ng makakain nila. Sumunod si Net. Dahil sa kahirapan wala silang gaanong makain, kaya imbes na kumain si Net ay itinabi na lang niya ito para sa kanya ama. Sa awa ng diyos nakakuha ng trabaho si Acer. Gutom na gutom na siya, pag uwi nya ay tulog na ang magkapatid, nang tiningan niya ang mesa ay nagulat niyang meron pang pagkain para sa kanya magkahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman niya.

            Merong mayang mag pinsan ang nanliligaw sa magkakapatid sina Hack at Site, hindi nila ito pinapansin dahil masasama ang kanilang ugali. Subalit patuloy pa din ang panliligaw ng dalawa. Isang araw ang pinag planuhan nila ng masama ang magkapatid.Isang liham ang natanggap ni Acer tungkol sa kanyang asawa na mayroon itong sakit. Hindi niya alam ang gagawin. Nakalagay doon ang lugar kung nasaan ang kanyang asawa. Dali dali siyang nangutang ng pamasahe. Naiwan ang mga anak niya sa bahay nila. Pag dating niya sa lugar ay wala siyang nakita na kahit ano. Umuwi siya ng bigo at masama ang loob. Pagdating niya sa bahay ay akala niya ay tulog na ang magkapatid, subalit nagkamali siya, wala na ang dalawa. Napaiyak na lamang siya, naisip niya na naloko siya ng dalawa, pinuntahan niya ang mag pinsan sa bahay nito subalit bigo siyang matagpuan kahit ang anino ng mag pinsan.

            Ang mag pinsan ang nakaisip na gumawa ng sulat upang malayo si Acer sa kaniyang mga anak. Hanggang ngayon ay patuloy pa din sa paghahanap si Acer sa dalawa, kaya gumagawa siya ng paraan para mabilis na makita ang dalawa. Kaya naimbento ang internet upang makita ang kambal, hango ito sa pangalan ni Inter at Net. Unti unti ay yumaman si Acer dahil sa internet kaya naipakalat niya ito sa buong mundo, at sa huli ay nakita nya ang magkapatid, at naipakulong ang masamang mag pinsan.

Bituin(Tula)

Isang matamlay na gabi,
Sa panahong pabago-bago
Mga ngiti'y naisantabi
Sapagkat ningning mo'y naglaho.

Sa iyong muling pagsibol
Ang nais ko'y makamit ka.
Wari mo'y bituin sa langit
Na ang ningning ang walang katulad

Malayo ka man sa akin
Ikaw pa din ang nghahari
Maging sa umagang kay ganda
Isang malaking bituin ang natatangi.

Sunday, October 9, 2011

Ang Aking Buhay

Ako si Russel Nikko Lustre, 17 taong gulang. Ako ay nakatira sa Iba O’ Este, Calumpit, Bulacan. Ako ay mahilig sa computer, lalo na sa mga games. Mahilig din ako sa psp at ps2 o sa kahit anong gadget. Kasama ko ang aking ama’t ina sa aming tahanan. Ang aking ama ay isang OFW sa Qatar, UAE. Samantalang ang aking ina naman ay dating saleslady sa BMG Records. Ako ay lumaki sa piling ng aking lolo’t lola. Dahil sa ako ang unang apo ng aking lolo, ay sunod ako sa layaw nito, maituturing ko ng matalik na kaibigan ang aking lolo. Ganun ko siya kamahal, dahil noon ay kahit anung hingin ko ay binibigay niya. Noong bata pa ako ay naglalaro kami ng chess, un ang pangpalipas oras naming dalawa. Madalang kong talunin ang aking lolo, kaya pag nanalo ako sa ganya ay binibigyan nya ako ng pera. Subalit ng sumalangit na ang aking lolo ay ganun na lamang ang aking pagkalungkot. Dahil bago siya nawala ay ni hindi ko man lamang siya nakausap.

Ako ay umpisang nag-aral sa aming day care center. Dahil sa kulang sa edad ay tinawag lamang akong saling pusa n gaming guro noon. Subalit sa kabila ng kakulangan sa edad, ako ay nagtapos na top student sa aming klase. Nang  sumunod na taon sa mababang paaralan ng aming baranggay ako unang pumasok ng elementarya. Doon ako ng aral mula una hanggang ikatlong baitang. At mula una hanggang ikatlong baitang ako ay consecutive honor student. Nang ako ay nasa ikaapat na baitang ay inilipat ako ng aking mga magulang sa F.F.M.E.S. noong unang araw ko sa eskwelahang iyon ay napaka tahimik ko sapagkat wala akong gaanong kakilala. Subalit ng nagtagal ako ay nagsimula na akong makihalubilo sa aking mga kamag aral. Sa iskwelahang din iyon ko natutununan kung panu magkaroon ng paghanga sa mga babae. Masasabi kong nagkaroon ako ng magandang karanasan sa eskwelahang iyon kahit na ako’y nagtapos ng walang nakuhang medalya nang ako’y magtapos.

Nang makatapos ako ng elementarya, ako ay kumuha ng exam para sa high school entrance sa BulSU, subalit hindi ako nakapasa kaya ako ay ini enroll na lamang ng aking mga magulang sa Calumpit Institute. Naging iskolar din ako sa CI at ng aming mayor. Sa aking pananatili sa CI ay marami akong naging kaibigan. Naging kaklase ko din ang iba kong kaklase doon mula elementarya. Sa aking unang antas, ako ay sumali sa cheering competition ng aming eskwelahan, kami ay nakakuha ng ikatlong pwesto. Nang ako ay nasa ikalawang antas, ako ay napunta sa huling pangkat, ako din ay nagtataka kung bakit ako napunta doon. Ang sabi naman ng aking mga guro ay dahil pinaghalo halo nila ang mga estudyante upang malayo sa barkada. Sa ikatlong antas, ako ay sumali sa pagiging opisyal ng CAT, subalit ng malapit ng matapos ang pagsubok, hindi ko na itinuloy ang pagsali, sapagkat nahihirapan akong pagsabayin ang pag aaral at ang pagsusulit para maging opisyal ng CAT. Kahit na itinigil ko ang pagsali ay nagkaroon pa din ako ng maraming kaibigan doon. Kadalasan nga ay tinatawag nila akong “chickboy” sapagkat madami ang na uugnay sa akin. Nang ako ay nasa ika-apat na antas ay sumali naman ako sa Militay Police. At muli hindi ko na naman natapos ang aking pagsusulit. Sapagkat ang mga kaibigan ko ay hindi na din ngtuloy dahil sa palagay nila at pinaghihigpitan kami ng mga opisyal. Sumali din ako ng quotillon noon sa aming s-ball. Noong araw ng pagtatapos ay mgkahalong saya at lungkot ang aking nararamdaman. Dahil napamahal na sakin ang aking mga kaibigan na itinuring ko ng mga kapatid ko.

Kolehiyo, isang hakbang na lang ay kailangan ko ng tumayo para sa aking sarili, at tulungan naman ang aking mga magulang. Ngayon ay nasa kolehiyo na ako at kasalukuyan kumukuha ng BIT-Computer Technology. Madaming nagtataas ng kilay kapag naririnig ay aking kurso sapagkat akala nila ay basta basta lamang ang aming kurso. Isa ko pang mapagmamalaki na kahit minsan ay hindi pa ako nakakakuha ng bagsak na marka.Inspirado akong mag-aral dahil gusto makabawi sa  aking mga magulang lalo na sa aking tatay. Dahil tinitiis nyang nasa malayo upang buhayin nya kami. Gusto kong maging tulad ng aking ama. Isa pang dahilan ay ang aking mahal. Natuto akong umibig mula nang makilala ko siya. Anong saya na lang ng makamit ko ang matamis nyang oo. Siya si Joan Haila Mundo. Siya lamang ang minahal ko ng ganto. Kaya ako ng sisikap para sa pamilya ko at para sa kinabukasan naming, alam kong bata pa kami at marami pa kaming pagdadaanan. Pero, alam ko na makakaya naming hanggang sa huli. Isa ko pang mapagmamalaki na kahit minsan ay hindi pa ako nakakakuha ng bagsak na marka.

Saturday, October 8, 2011

CICT DAYS(SANAYSAY)

Ano ang CICT days? Bakit pinagdiriwang o ginaganap ito? Nakakatulong ba ito sa buhay pampaaralan? May naidudulot nga ba itong maganda o nakakasama lamang ito sa mga estudyante? Mga tanong na naglalaro sa ating mga isipan.

Nagsimula ang CICT days noong Agosto 24, 2011 at nagtapos noong Agosto 27, 2011. Ito ay ginaganap upang ang bawat estudyante ay maipakita ang kani-kaniyang galing sa larangan ng paglalaro. Naipapakita din nila ang kanilang mga natutunan sa pagsali sa mga labanang tulad ng networking, programming at kung anu-anong laban na konektado o akma sa kanilang kurso. Ika-2 ng hapon nagsimula ang pagdiriwang na kung saan ipinakikilala ang mga manlalaro at muse ng bawat seksyon sa pamamagitan ng pagpaparada ng mga ito sa buong campus. Sa unang araw din ay mayroong labanan na tinatawag na “costplay”. Sa labanang ito ay isa ako sa mga napiling sumali sa paligsahan. Ngunit natapos ang unang araw na hindi namin nakuha ang unang karangalan. Kinabukasan ng pagdiriwang ay muli na naman akong napili bilang isa sa mga kalahok sa labanang networking. Sa ikalawang pagkakataon, nabigo na naman kaming makuha ang unang karangalan. Ang ikatlong araw naman ng pagdiriwang ay pinanuod namin ang aming mga kaklaseng manlalaro upang magbigay suporta sa kanilang mga laban. At sa ikahuling araw ng pagdiriwang ay ang pag-aanunsyo ng mga nanalo sa bawat laban na kanilang sinalihan. Sa pagdiriwang na ito ay maituturing ko na nakatutulong at nakapagdudulot ito ng maganda sa buhay pampaaralan ng mga estudyante sa pamamagitan ng paghahasa sa kanilang mga natutunan sa loob ng klase kasabay ng paglilibang o pagbibigay-saya sa kanilang mga sarili. Kaya sa aking palagay, makatarungan lamang na ang pagdiriwang na ito ay maging bahagi ng gawaing pampaaralan.